PAGIGING PATAS NG SANDIGANBAYAN HINILING SA DPWH FUND MESS CASE

PINUNA ng iba’t ibang cause oriented groups at law experts ang anunsyo ng Ehekutibo na posible na sa darating na Disyembre 15 ay maglalabas na warrants of arrest laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood-control projects.

Pangamba ng mga grupo, ang mga ganitong uri ng anunsyo mula sa Ehekutibo ay posibleng magbigay ng “undue pressure” sa hudikatura, na dapat ay manatiling independent sa lahat ng pagkakataon.

Ipinaalala ni Universidad de Manila College of Law Dean Pearlito Campanilla na kailangan ay umiral ang “judicial neutrality” anoman ang umiiral na emosyon ng mamamayan.

Aniya ang sambayanan ay pinamamahalaan ng mga batas at hindi ng mga tao.

“The judicial department must constantly be apolitical. Judicial decisions should not be swayed by the goal of thwarting potential political upheaval,” dagdag pa ni Campanilla.

Sinabi ito ni Campanilla kasunod ng mga kilos-protesta kontra korupsyon at ng dalawang araw na “prayer rally” ng Iglesia ni Cristo (INC).

Kamakalawa, isinampa na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang iba’t ibang kaso laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon pa sa mga eksperto sa batas, makakakilos lamang ang Sandiganbayan alinsunod sa mga nakatakda sa kanilang 2018 Revised Internal Rules, kabilang na dapat ay may kalakip na resolusyon ng Ombudsman at sertipikasyon ang impormasyon ng mga inihaing kaso.

“That copy of the resolution has been duly served upon the accused or counsel pursuant to the Rules of Court, and that the reglementary period to file a motion for reconsideration in accordance with the rules of the Office of the Ombudsman, has expired, or that the resolution denying the motion for reconsideration has been duly served upon the accused or counsel,” ang nakasaad sa naturang Sandiganbayan guidelines.

Dagdag paalala ni Campanilla, ang kredibilidad ng sistema ng hustisya ay nakasalalay sa paggawa ng desisyon base sa mga batas at mga ebidensya at hindi kung ano ang nais o base sa damdamin ng publiko.

84

Related posts

Leave a Comment