SHOW CAUSE ORDER KAY MARCOLETA SA HINDI PAGTUTUGMA NG SOCE AT SALN

MAGLALABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) kay Senator Rodante Marcoleta dahil sa umano’y maling pagdeklara ng donasyon sa kanyang kampanya.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layunin ng show cause order na pagpaliwanagin si Marcoleta kung saan nagmula o sino ang nagbigay ng mga donasyon sa kampanya niya.

Ang Political and Finance Department ng komisyon ang mag-iisyu ng kautusan matapos lumabas sa ulat ang umano’y hindi pagtutugma ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng senador sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Base sa SOCE ni Marcoleta, P112 milyon ang nagastos sa kampanya na halos doble kumpara sa higit P52 milyon na idineklara sa kanyang SALN.

Paliwanag ng Comelec, dapat malinaw na nakalista sa SOCE ang lahat ng donor at pinagmulan ng kontribusyon, at walang exemption kahit anonymous ang donor.

Posibleng maharap si Marcoleta sa kasong perjury o paglabag sa election law kung mapatunayang pineke ang kanyang SOCE, dagdag pa ng Comelec.

(JOCELYN DOMENDEN)

83

Related posts

Leave a Comment