‘NUISANCE PROJECTS’ SA KATUBIGAN SA METRO MANILA NA-AUDIT NA

NATAPOS na ang audit sa mga proyekto at istrukturang itinuturing na “nuisance” o sagabal sa daloy ng tubig sa Metro Manila.

Sa clean-up operations sa Buhangin Creek sa Mandaluyong, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na kumpleto na ang fact-finding sa mga proyektong nagdudulot ng pagbaha at humaharang sa mga waterway.

Ayon kay Artes, naisumite na ng Commission on Audit (COA) ang resulta ng imbestigasyon sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at hinihintay na lamang ang kanilang aksyon.

Dagdag pa ng MMDA chief, hindi bababa sa 52 booster pumps ang nakita nilang kailangang alisin sa ilalim ng operasyon ng MMDA dahil nakakaapekto umano ito sa natural na daloy ng tubig.

Patuloy ang koordinasyon ng MMDA at iba pang ahensya para tuluyang mabura ang mga sagabal sa mga daluyan ng tubig at mapigil ang baha sa Metro Manila.

(CHAI JULIAN)

93

Related posts

Leave a Comment