Kapag hindi sumuko ngayon HUNT-DOWN MODE ON VS ZALDY CO, 15 PA

NGAYONG Lunes, Nobyembre 24, 2025, magtatapos ang ultimatum na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay dating Ako Bicol rep. Zaldy Co at 15 iba pa na sangkot sa multi-bilyong flood control scam upang isuko ang kanilang sarili kasunod ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan.

“Otherwise, we will hunt them down. We will do everything we can for them to face the law,” babala ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam.

Ayon sa DILG, tumutupad ito sa direktibang inilabas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kasunod ng arrest warrants laban sa mga opisyal mula sa DPWH at Sunwest Corporation na kinasangkutan ng anomalya sa flood control projects sa Mindoro.

Inatasan na rin ng DILG ang PNP na magsagawa ng law enforcement operations para ipatupad ang warrant, habang tiniyak ni Remulla na dapat sundin ang due process at tiyaking maayos ang pagtrato sa mga suspek.

“If I receive the copy, I will come up with a memorandum and state that we are giving them until Monday to surrender to the nearest government agency,” ani Remulla.

Si PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay nag-ulat na nakikipag-ugnayan na sila sa Sandiganbayan at iba pang may kaugnayang ahensya upang matiyak ang legal at maayos na pagpapatupad ng mga warrant.

“We call on the public to continue placing trust in our institutions… with integrity, respect for the rule of law, and commitment to justice,” pahayag ni Nartatez.

Noong Martes, nagsampa ng graft charges ang Office of the Ombudsman laban kina Co at ilang opisyal ng DPWH at Sunwest Corp. kaugnay ng P289-million flood control project sa Oriental Mindoro.

Naglabas na ng hold departure orders laban sa mga akusado, pero nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang utos ng korte para kanselahin ang pasaporte ni Co.

Batay sa pinakahuling ulat, sinabi ni Sec. Remulla na huling nakita si Co sa Japan — kaya lalong bumigat ang hamon para sa gobyerno na ipatupad ang batas.

(JESS RUIZ)

68

Related posts

Leave a Comment