CAVITE – Halos umabot sa kalahating milyong pisong halaga ng cash at mga sigarilyo ang natangay ng isang hinihinalang magnanakaw sa isang tindahan sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng umaga.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na pumasok sa Phoebe Leigh Grocery Store sa Naic Public Market sa Barangay Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing tindahan sa pamamagitan ng pagsira sa kisame nito at nang makapasok ay tinangay ang pakete ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at cash na umabot sa P310,000.00.
Hinihinalang isinagawa ang pagnanakaw dakong gabi dahil ayon sa may-ari ng grocery store na si alyas “Crispo”, 62, bandang alas-6:00 na ng umaga nang nadiskure nila ang insidente nang buksan nila ang kanilang tindahan.
Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
77
