6 MIYEMBRO NG NPA SUMUKO SA BATANGAS

BATANGAS – Anim na sinasabing miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang sumuko sa magkahiwalay na operasyon sa Nasugbu at Balayan sa lalawigan noong Biyernes, Nobyembre 21.

Sa Nasugbu, sumuko si alyas “Iya”, 56, residente ng Lian, at isinuko rin ang isang 40mm grenade sa mga operatiba ng 2nd Batangas PMFC at Nasugbu Police.

Sa Balayan naman, limang iba pang CTG personalities na may kaugnayan sa Malalay encounter, ang nagbigay ng kanilang sarili sa 403rd RMFB-4A at mga kaagapay na ahensya.

Kinilala ang mga ito bilang sina alyas “Purgoso”, Nestor Lasheras Caraig, alyas “Christie” Kon, at “Pangke”.

Tumanggap ang mga sumuko ng paunang tulong mula sa pamahalaan at kasalukuyang isinasailalim sa dokumentasyon para sa kanilang E-CLIP application.

(NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment