Trillion Peso March Third Edition ikinakasa FLOOD SCAM PROBE UMIIWAS SA ‘BIG FISH’?

NAGBABALA ang mga organizer ng Trillion Peso March na handa silang maglunsad ng panibagong malawakang kilos protesta kung hindi agad mapapanagot ang malalaking personalidad na itinuturong utak sa multi-billion flood control scandal.

Ayon kay Kiko Aquino Dee, malaki ang inaasahan ng publiko na bago ang December 15 deadline ng Office of the Ombudsman, ay mas maraming kaso ang maisasampa laban sa mga nasa likod ng anomalyang pinag-uusapan sa buong bansa.

Giit ni Dee, nakaaalarma ang takbo ng imbestigasyon na tila nakatutok lang umano sa “relatively minor government officials and contractors” habang ang mga big fish ay parang hindi pa hinahawakan.

“It’s a little worrisome… when it comes to these big fish, the government seems to be tentative. If that continues, I think it is right to have a third edition,” ayon kay Dee.

Dahil dito, nilinaw ng organizers na tuloy ang galaw ng kanilang hanay hanggang hindi natutuldukan ang korupsyon sa pamahalaan.

Magugunitang ayon sa PNP, nasa 90 katao ang nakiisa sa kilos protesta kamakalawa sa iba’t ibang lugar sa bansa bukod pa sa libo-libong lumahok nitong Linggo para sa ikalawang bugso ng Trillion Peso March na nanawagan na ikulong ang mga opisyal ng pamahalaan, mambabatas, at construction firm owners na sangkot umano sa pagkurakot ng bilyong pondo.

Samantala, naghayag naman ng kahandaan ang Philippine National Police sa panibagong bugso ng protesta.

“The PNP is always ready,” ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Resources are available and we can deploy them — big or small rallies — and we will monitor and respond accordingly,” aniya.

(JESSE RUIZ)

72

Related posts

Leave a Comment