NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media na tulungan ang publiko na maunawaan ang mga reporma ng gobyerno, na aniya’y mahirap ipaliwanag sa karaniwang mamamayan na hindi nakatuon sa mga istruktural na usapin.
Nagpasalamat ang Pangulo sa mga mamamahayag, lalo na sa Malacañang Press Corps (MPC), sa kanilang papel sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong polisiya sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon. Binigyang-diin niya na mahalaga ang media bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay-kaalaman sa publiko.
“So I thank all the members of the Malacañang Press Corps, because you have been there with us all the way. And this is not an easy thing to explain to the average citizen because they’re not concerned about structural change and ideological ideas. They are just concerned about their everyday lives,” ani Pangulong Marcos nitong Miyerkules.
Inalala ng Pangulo ang kanyang pagbanggit ng iregularidad sa mga flood control at imprastruktura sa SONA noong Hulyo 28, 2025, na nagbunsod ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa ilang sangkot sa pang-aabuso ng pondo ng bayan.
Aminado siya na hindi lahat ay sasang-ayon sa reporma, subalit iginiit na kailangang ipagpatuloy ito at maiparating ang tama at malinaw na impormasyon sa publiko sa kabila ng ingay sa pulitika.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng karanasan sa pamamahayag, na nagbibigay sa mga reporter ng mas malalim na kaalaman at pananaw sa mga pambansang isyu. Itinampok niya na mahalaga ang ganitong may kaalamang pamamahayag lalo na sa panahon ng lumalaganap na fake news at mga online conspiracy theories.
“Fake news has taken too much of the space. In the beginning we thought it was funny, it was entertaining, but now it’s become damaging. And that is something that we have to be concerned about,” dagdag niya.
Nanawagan si Marcos sa media na palakasin ang media literacy at himukin ang publiko na maging mas mapanuri sa impormasyong kanilang tinatanggap. “It is not an easy challenge but we have to continue to try and do it because it is important that people know the truth, the people know what is happening, that the people are not led into these crazy mind games people have been playing without any connection anymore to reality,” ani Pangulong Marcos.
(CHRISTIAN DALE)
27
