PALASYO SA LILIKHAING IPC: BAKA KOPYA LANG NG OMBUDSMAN, DOJ

POSIBLENG magdulot ng “redundancy” o pag-uulit ng tungkulin ang panukalang Independent People’s Commission (IPC) kung itutulak ito ng Kongreso, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

Sabi ni Castro, papasok sa gawain ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang IPC dahil hindi lamang flood control projects ang saklaw nito kundi pati iba pang infrastructure projects.

“Kung gagawa sila ng batas para mag-create ng Independent People’s Commission, sana ‘yung constitutionality nito ay hindi makuwestiyon dahil baka magkaroon ng redundancy,” pahayag ni Castro sa isang panayam.

Aniya, malinaw ang trabaho ng Ombudsman at DOJ — sila ang nag-iimbestiga, nagba-validate ng probable case, at nagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan o sa korte.

“Mayroon na talagang nakatalaga for that. ‘Yung Ombudsman and DOJ, para sila ang mag-hearing, tumingin at mag-evaluate… sila ang magpa-file ng case,” paliwanag pa niya.

Giit ni Castro, kaya nilikha ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) bilang fact-finding body lamang, na mangangalap ng dokumento at magpapa-turnover nito sa Ombudsman at DOJ.

“Bakit walang contempt power [ang ICI]? Kasi hindi ang dahilan nito ay mag-penalize, magpakulong o magparusa sa taong hindi a-attend ng hearing,” sabi pa ni Castro.

(CHRISTIAN DALE)

82

Related posts

Leave a Comment