INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epektibo simula nitong Lunes, Disyembre 8, ang taas-sahod ng mga minimum wage earner sa Eastern Visayas.
Ayon sa DOLE, maglalaro na sa P422 hanggang P452 ang bagong minimum na arawang sahod sa rehiyon.
Susundan ito ng ikalawang bugso ng umento sa unang araw ng Hunyo 2026.
Aabot na sa P440 hanggang P470 ang magiging bagong minimum wage sa Region 8.
Samantala, aprubado na rin ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na naglalaro naman sa P5,800 hanggang P6,400.
(JOCELYN DOMENDEN)
115
