Tuwing ikatlong Miyerkoles ng Hunyo NATIONAL PULMONARY REHABILITATION DAY

ITINAKDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikatlong Miyerkoles ng Hunyo ng bawat taon bilang “National Pulmonary Rehabilitation Day” upang mapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa pulmonary rehabilitation bilang paggamot para sa mga pasyenteng may chronic respiratory diseases (CRDs).

Batay sa Proclamation No. 1104 na nilagdaan noong December 4, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang palakasin ang mga programa at impormasyon hinggil sa nasabing therapeutic intervention, partikular para sa mga sakit na kaugnay ng paninigarilyo at vaping.

Ayon sa Department of Health (DOH), mahalagang “itaas ang public knowledge and appreciation of pulmonary rehabilitation as a well-established and effective standard of care for CRDs,” kasama ang promosyon ng prevention, treatment at rehabilitation efforts.

Inilarawan sa proklamasyon ang pulmonary rehabilitation bilang isang “comprehensive intervention combining exercise training, education, and behavioral modification,” na kinikilala sa ibang bansa bilang standard of care na nagpapabuti sa pisikal at mental na kalagayan ng pasyente, nagpapababa ng hospital admissions, at nagpapataas ng kalidad ng buhay.

Itinapat ang pagdiriwang sa buwan ng Hunyo, na deklaradong “No Smoking Month” sa ilalim ng Proclamation 183 noong 1993 bilang bahagi ng kampanya kontra paninigarilyo.

Inaatasan ng Proclamation 1104 ang DOH na pangunahan ang implementasyon ng National Pulmonary Rehabilitation Day, at makipag-ugnayan sa mga non-government organizations gaya ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP) at pribadong sektor para sa magkakasanib na aktibidad sa promosyon ng pulmonary rehabilitation.

Hinimok din ang mga ahensya ng gobyerno, local government units, government-owned or -controlled corporations, state universities and colleges, NGOs at pribadong sektor na suportahan ang pagpapatupad ng DOH.

Samantala, inatasan ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng mga hakbang upang maipagbigay-alam at mahikayat ang publiko na tumangkilik sa mga programa at aktibidad kaugnay ng pagdiriwang.

(CHRISTIAN DALE)

81

Related posts

Leave a Comment