INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang 26 na indibidwal, kabilang si Charlie Atong Ang, negosyante at kilalang gaming tycoon. Ayon sa DOJ, may prima facie evidence na pwedeng itindig ang kaso sa korte.
Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang 10 counts ng kidnapping at homicide laban kina Ang at 25 pang indibidwal, karamihan ay mga pulis. Bukod dito, 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention ang inirekomenda rin laban kina Ang at 9 pang indibidwal.
Ipinabatid ng DOJ na ibinasura ang mga reklamo laban sa iba pang indibidwal na hindi kasama sa inirekomendang kasuhan. Si Ang umano ang itinuturing na mastermind sa pagkawala ng mga nawawalang sabungero.
Wala pa ring pahayag ang kampo ni Ang, ngunit una na niyang itinanggi ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.
(JULIET PACOT)
102
