P681-M PUSLIT NA SIGARILYO NASAMSAM NG PHIL. NAVY

UMABOT sa P681 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinasagawang sustained maritime operation ng mga tauhan ng Philippine Navy sa bahagi ng Mindanao mula buwan ng Agosto hanggang bago matapos ang taong 2025, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Q. Ezpeleta, PN.

Ito ay makaraang maharang ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ng Philippine Navy ang dalawang lantsa na may lulan na humigit kumulang sa 6,000 master cases ng undocumented foreign-brand cigarettes na may pinagsamang halaga na lalagpas sa P372 million, base sa isinagawang official inventory.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni LCDR Chester Ross A. Cabaltera PN, Public Affairs Officer, Western Mindanao Naval Command, inilunsad ng kanilang mga tauhan na nasa ilalim ng Joint Task Force POSEIDON, ang magkahiwalay na sea interdiction kaugnay sa pinalakas na Maritime Patrols (MARPAT), na bahagi ng kanilang pagbabantay sa karagatang sakop ng Western Mindanao, laban sa intrusions at illegal maritime activities.

Unang nasabat ang Motor/Lunch M/L ADILYN sa Sibago Island, Basilan, o 41 Nautical miles ng Kalamansig, Sultan Kudarat habang nagsasagawa ng maritime patrols bunsod ng natanggap na ulat na intrusion.

Dito naharang ng Naval Task Force 61 (NTF61) ang kahina-hinalang motorized vessel na natukoy na may karga itong kontrabando na kinabibilangan ng 3,803 master cases ng Cannon cigarettes at 18 master cases ng New Orleans cigarettes.

“The total estimated market value of the confiscated items, including the motor launch, amounted to P220,943,300.00,” ani LCDR Cabaltera.

Sumunod na nasabat ang M/L ASB EXPRESS sa karagatang sakop ng Teomabal Island, Sulu.

Sa inspeksyon, nabatid na may karga itong bulto-bultong undocumented foreign-brand cigarettes na kinabibilangan ng 1,686 master cases ng New Mega Brand cigarettes at 944 master cases ng Cannon cigarettes. Kasama ang gamit na lantsa ay tinatayang nasa P152,699,000.00 ang halaga ng kontrabando na nasamsam ng mga tauhan ng Navy

“With these latest apprehensions, the total accumulated seizures to date have reached a Running Estimated Market Value (REMV) of P681,485,467.75, with a total of 22 apprehensions and 22 completed turnovers, covering the period from 25 August to 05 December 2025,” ayon pa sa ulat.

(JESSE RUIZ)

119

Related posts

Leave a Comment