Pero bawal ang isnabero ngayong Kapaskuhan LCSP: PUV DRIVERS PWEDENG TUMANGGING MAGSAKAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TIWALA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pamumuno ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza na mababalanse ng ahensya ang pangangailangan ng mga pasahero at ang hanapbuhay ng mga drayber.

Pahayag ito ng grupo sa gitna ng pinaigting na kampanya laban sa mga taxi at iba pang PUV driver na tumatangging magsakay lalo ngayong Kapaskuhan, kasabay ng implementasyon ng Oplan Isnabero.

Ayon kay LCSP president Atty. Ariel Inton, may mga sitwasyon kung saan maaaring tumanggi ang tsuper—pero dapat itong nasa tamang dahilan.

“Sa taxi may waiting time; sa TNVS may surge. Pangbawi ito sa traffic, tama. Pero dapat din tingnan kung anong klaseng traffic ang nirarason ng mga drayber,” ani Inton.

Ipinaliwanag niyang hindi lahat ng traffic ay pare-pareho.

“Tulad kapag may ‘carmaggedon’ na ang dating 15 minutes na biyahe ay nagiging apat na oras. May traffic dahil sa malalim na baha, o may aksidente sa dadaanan. Sa mga ganitong sitwasyon, pwedeng tumanggi ang isang taxi driver. Halimbawa, matinding baha o sobra-sobrang traffic—hindi mako-cover ng waiting time ‘yan,” dagdag pa niya.

Mayroon din aniyang mga pagkakataon na kailangan ikonsidera ang kaligtasan ng drayber.

“Kung sa tingin niya ay mapapahamak siya, puwede siyang tumanggi tulad kung lasing ang pasahero, delikado ang lugar na paghahatiran, o labas na sa kanyang ruta. Halimbawa, NCR taxi lang siya at hindi ‘to any point of Luzon,'” paliwanag ni Inton.

Nagpapatupad ang LTFRB ng Oplan Isnabero para tiyaking hindi nagiging “choosy” ang mga drayber at hindi sila nag-o-overcharge, lalo ngayong holiday rush.

61

Related posts

Leave a Comment