CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang dating security guard na ‘person of interest’ sa panloloob sa isang kilalang chicken restaurant sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas “Adrian”, dating security guard ng chicken restaurant sa Molino Boulevard, Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing restaurant sa pamamagitan ng pagsira sa roll-up window malapit sa generator saka itinulak nito ang glass door papasok sa loob.
Nang nakapasok, tinangay nito ang ilang gadgets at generator set battery na may kabuuang halagang P250,000.
Ayon sa manager ng nasabing restaurant, tanging ang suspek lamang ang pamilyar sa lugar at sa pinasukan nito.
Bandang alas-6:30 ng umaga nang natuklasan ang panloloob ng suspek nang pumasok ang ilang empleyado.
(SIGFRED ADSUARA)
79
