NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism sa Cebu Pacific at Hotel, Resort, and Restaurant Association of Cebu Inc., (HRRACI) upang mag-alok ng flight incentives at accommodations promos upang makaakit ng mas maraming bisita sa Cebu matapos ang mga nagdaang kalamidad.
Ang pagtutulungan ay isinapormal noong Biyernes sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan sa paglulunsad ng “Visit Cebu” campaign.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatibo ay layon na makatulong na ma-revive ang tourism activities at suportahan ang local businesses at mga manggagawa.
Sa ilalim ng kasunduan, ang foreign travelers ay makakukuha ng discounted flights, hotel vouchers at promotional packages na iaalok ng kalahok na hotels at resorts sa Cebu.
Makakukuha rin ng complimentary one-night stay ang ilang mga bisita batay sa program guidelines.
Ang kampanya ay tututok sa anim na pangunahing merkado: Korea, Japan, Thailand, Singapore, Hong Kong at Vietnam.
(JOCELYN DOMENDEN)
81
