Nahatulan ng pagkakakulong ng 5 taon hanggang 9 na taon ang isang shift leader ng KFC sa Tambo, Parañaque City.
Napatunayan sa korte na noong Hunyo 3, 2023, si Efren Cantoria Rejuso, Jr ay nagnakaw ng mahigit P300 libo sa kaha ng KFC MIA Road Tambo, Parañaque City.
Sa isang desisyon ng Regional Trial Court ng Parañaque, sinabi na napatunayan na ninakaw ni Rejuso ang pera ng KFC Mia Road at nakita ang pangyayari sa cctv camera ng restaurant na iyon.
Nagsampa ng kaso ang management ng nasabing restaurant at pagkatapos ng lampas 2 taon mula sa araw ng pagnanakaw ay hinatulan ng korte si Efren Cantoria Rejuso, Jr ng pagkakakulong ng 5 taon hanggang 9 na taon sa kasong qualified theft.
Nag hain ng apela si Efren Cantoria Rejuso, Jr at nag pyansa habang nakasalang ang apela.
128
