P7.1-M PARTY DRUGS NASABAT NG BOC-PDEA AT PNP

NASA 4,124 party drugs tablets ang nasabat sa isinagawang joint anti-illegal drugs interdiction operation sa cargo facility sa Clark Freeport sa Pampanga noong Sabado.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, tinatayang aabot sa P7.1 milyong halaga ng ecstasy tablets ang nasamsam sa isinagawang joint interdiction operation.

Ayon sa report, dalawang kahina-hinalang inbound parcels na naglalaman ng libo-libong party drugs, ang nasabat sa routine inspection nang markahan ito ng Bureau of Customs (BOC) personnel at isailalim sa X-ray screening, kung saan may nakitang suspicious contents na hindi tugma sa declared items.

Dahil dito, agad nag-deploy ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang anti-narcotics detection dog at dito ay positibong natukoy ang presensiya ng illegal substances sa loob ng dalawang parcels.

Sa isinagawang physical inventories ay nalantad ang 4,124 tablets ng hinihinalang ecstasy na nakakubli sa packages na idineklarang automotive accessories.

“This prompted immediate coordination with the PNP Aviation Security Group as members of Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Lumitaw sa imbentaryo na isa sa mga parcel ay naglalaman ng 2,693 purple tablets na may estimated standard drug price value na P4,591,275, habang ang ikalawang kahon naman ay may lamang 1,431 tablets na may iba’t ibang kulay at tinatayang may street value na aabot sa P2,448,850.

Nagmula ang dalawang parcel sa Austria at ide-deliver sa isang consignee sa Davao City.

(JESSE RUIZ)

80

Related posts

Leave a Comment