23 KATAO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA

NASAGIP ng Philippine Coast Guard ang 23 katao matapos lumubog ang isang recreational boat sa karagatang malapit sa Sombrero Island, San Pascual, Masbate.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng butas ang hull ng RBCA Harlyn habang bumibiyahe mula Port of San Andres, Quezon.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard at ligtas na nailipat ang 20 pasahero at tatlong tripulante, siyam sa kanila ay bahagyang nagalusan at nasa maayos nang kalagayan.

(NILOU DEL CARMEN)

60

Related posts

Leave a Comment