LAGUNA – Dalawa ang patay makaraang mawasak ang isang bahay at tricycle matapos na matumbahan ng isang dump truck na nawalan ng preno sa national road ng Barangay Mayatba sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon.
Ilan pa ang nasugatan sa insidente na nagdulot din pansamantalang brownout sa lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries, and damage to property.
(NILOU DEL CARMEN)
57
