QUEZON – Nasakote ng Tiaong Municipal Police Station–Drug Enforcement Team ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong sa lalawigan.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na 0.16 gramo ang timbang at tinatayang may standard drug price na P1,088 at street value na P3,264.
Ngunit sa isinagawang masusing paghahalughog, nasamsam din ng mga pulis ang apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 39.60 gramo at tinatayang may street value na P807,840.00.
Nasamsam din mula sa suspek ang isang caliber 9mm pistol na may apat na bala.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaukulang kaso.
(NILOU DEL CARMEN)
57
