MULING magsasagawa ng auction ang Bureau of Customs sa sampung luxury vehicles kabilang ang walong sasakyan ng pamilya Discaya sa Pebrero 11, 2026.
Gaganapin ang subasta sa Situation Room sa Ground Floor ng OCOM Building sa Port Area, Maynila.
Kabilang sa mga isusubastang sasakyan ang dalawang Bugatti Chiron at iba pang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Pinayuhan ng BOC ang mga interesadong bidder na magparehistro sa pamamagitan ng link na inilathala sa opisyal na social media account ng ahensya.
Matatandaang pitong luxury cars ng pamilya Discaya ang naunang isinubasta noong nakaraang taon matapos makumpiskang walang kaukulang permit, hindi nabayaran ang buwis, at kulang ang dokumento.
Sa unang bidding ng tatlong sasakyan, umabot sa ₱38,211,710 ang kabuuang halaga na agad inilipat sa National Treasury bilang kita ng pamahalaan.
(JOCELYN DOMENDEN)
10
