INISYAL nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang gawing limang taon ang registration ng mga bagong sasakyan, mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, naipakita ni Acting Transportation Secretary Jovanni Lopez ang mga benepisyo ng reporma.
“Inisyal na naaprubahan po ito ng Pangulo at susundan ng mga memorandum na ihahanda ng DOTr,” ani Castro.
Nauna nang inatasan ng Pangulo ang Department of Transportation na bigyang-prayoridad ang kapakanan ng mga mananakay, panatilihing malinis at maayos ang mga pasilidad, at tiyaking maaasahan at on-time ang mga tren.
Inaasahang magdudulot ito ng malaking ginhawa sa mga motorista.
(CHRISTIAN DALE)
13
