IMPORTASYON NG MANOK, PINATITIGIL

MULING kinalampag ni Senador Imee Marcos ang gobyerno upang itigil ang pagmamadaling itulak ang importasyon ng manok.

Iginiit ni Marcos na walang kakulangan sa suplay at sapat ang lokal na produksyon para tugunan ang pangangailangan ng bansa.

Binatikos ng senadora ang umano’y pagmamanipula ng datos upang palabasing may kakulangan sa suplay ng manok sa merkado.

Ayon kay Marcos, malinaw sa mismong datos ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa na maaaring tumagal ng hanggang walong buwan, batay sa tala noong Disyembre.

Hindi anya makatwiran ang agarang pag-angkat kung may kakayahan naman ang lokal na industriya na magsuplay.

Paalala pa ni Marcos na isa siya sa mga may-akda ng Anti-Agricultural Sabotage Act o Republic Act No. 12022, na layong parusahan at ipakulong ang mga sangkot sa paglikha ng pekeng kakulangan sa suplay ng produktong agrikultural upang bigyang-katwiran ang importasyon.

Binigyang-diin ng senadora na dapat unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng lokal na magsasaka at magmamanok, at tiyaking transparent at tapat ang paggamit ng datos bago magpatupad ng mga patakarang may malaking epekto sa sektor ng agrikultura.

(DANG SAMSON-GARCIA)

3

Related posts

Leave a Comment