ITINAAS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa P20 milyon ang pabuya para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon na magtuturo sa kinaroroonan at ikaaaresto ng negosyanteng si Atong Ang.
Mula sa dating P10 milyon, dinoble ang reward upang mapabilis ang pagdakip sa gaming personality na nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
Matatandaang humiling ang mga awtoridad ng Pilipinas sa Interpol na maglabas ng notice laban sa nasabing negosyante.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, magmumula ang pondo para sa pabuya sa confidential funds ng Philippine National Police (PNP) at ng DILG.
“We are increasing the bounty for Atong Ang to 20 million, for information leading to his arrest,” pahayag ng Kalihim sa isang pulong-balitaan.
Dagdag pa ni Remulla, posibleng hindi pa nakalalabas ng bansa si Ang.
(TOTO NABAJA)
2
