BATANGAS – Patuloy ang malawakang aerial and seaborne search at rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa apat na mangingisdang hindi pa nakababalik mula nang pumalaot noong Pebrero 8.
Huli silang namataan patungong Ambil at Lubang Islands sa Occidental Mindoro sakay ng berde at pulang motorbanca na “MJ2”.
Ginagamit ng PCG ang lahat ng available resources, kabilang ang aircraft at BRP Cabra, upang mapalawak ang paghahanap sa nawawalang mga biktima.
(NILOU DEL CARMEN)
3
