PALALAKASIN ang panawagan laban sa korupsyon kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng makasaysayang People Power Revolution sa pamamagitan ng People Power 40 Kick-Off Concert na gaganapin sa Pebrero 21 sa Quezon Memorial Circle, na may temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.”
Ayon sa Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya Natin!, layon ng konsiyerto na buhayin ang diwa ng mapayapang rebolusyon noong 1986 at hikayatin ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang laban para sa transparency at good governance.
“People Power proved that the Filipino people, when united, can stand up to injustice and demand accountability. This concert is a way to honor that legacy while encouraging citizens, especially the youth, to continue the fight for transparency and good governance,” ayon sa organizers.
Iginiit ng mga tagapag-organisa na responsibilidad ng bawat Pilipino ang paglaban sa katiwalian.
Tampok sa konsiyerto ang mga kilalang performers gaya nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Rivermaya, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Pio Balbuena, Morobeats, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Chelsea Alley at Over October.
Magpapasaya rin ang stand-up comedians na sina Alex Calleja at Red Ollero, kasama sina Iza Calzado, Bea Binene at DJ JhaiHo.
Magsisimula ang pre-show alas-4:00 ng hapon habang aarangkada ang main concert alas-6:00 ng gabi.
(DANNY BACOLOD)
15
