METRO MANILA SUBWAY “MAAGA SA ISKEDYUL” — MARCOS

MAS mabilis pa sa inaasahan ang takbo ng Metro Manila Subway project, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ito ng Pangulo matapos pangunahan ang groundbreaking ng Kalayaan Avenue at Bonifacio Global City stations sa Taguig City.

“I’m happy to report that… we are very much on schedule. In fact, we have accelerated the process,” ani Marcos.

Inaasahang makapagsasakay ang BGC stations ng mahigit 200,000 pasahero kada araw sa opening year.

Kapag naging operational ang 33-kilometrong subway, mababawasan ang biyahe mula Valenzuela hanggang BGC sa 29 minuto, mula sa dating isa’t kalahating oras.

Mapabibilis din ang biyahe mula Quezon City patungong Manila airport mula mahigit isang oras tungo sa 35 minuto.

(CHRISTIAN DALE)

6

Related posts

Leave a Comment