ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL POSIBLENG MAGING URGENT

POSIBLENG i-certify bilang urgent ang Anti-Political Dynasty Bill matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta rito.

Ayon kay Claire Castro ng Presidential Communications Office, nais ng Pangulo na maipasa ang panukala.

“Natuwa po ang Pangulo dahil ang nais po niya ay maisabatas po ang nasabing bill, ang anti-political dynasty bill, dahil iyan din po ang nais ng ating mga kababayan,” ani Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Noong Pebrero 12, nagsagawa ng public consultations ang House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa Carmona, Cavite sa pangunguna ni Zia Alonto Adiong.

Nakadepende umano ang certification sa magiging pinal na bersyon ng panukala mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Matatandaang, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagtalakay sa Anti-Dynasty bill.

(CHRISTIAN DALE)

11

Related posts

Leave a Comment