NANGUNGUNA ang panunuhol bilang pinakatalamak na uri ng korupsyon sa bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research, 73% o pito sa bawat sampung Pilipino ang tumukoy sa bribery bilang pangunahing problema.
Sumunod ang iregularidad sa paggastos ng pondo (66%), vote buying (62%), at mabagal na pag-usad ng hustisya (54%).
Ayon sa OCTA, laganap ang mga naturang uri ng korupsyon sa lahat ng socio economic groups sa buong bansa , indikasyon na ramdam ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Binigyang-diin din ng survey ang pangangailangan ng mas maigting na transparency at digitalization upang mabawasan ang maling paggamit ng pondo ng bayan.
Isinagawa ang nationwide survey noong December 3–11 sa 1,200 Pilipinong edad 18 pataas. Bahagi ito ng pag-aaral na kinomisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng pananaw ng publiko sa korupsyon.
10
