CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay na nakalagay sako at inihulog sa balon sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng hapon.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na jogger pants.
Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang matagpuang ang bangkay ng lalaki malapit sa isang creek sa Sitio Kay-Tigbak sa Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite ng isang Salsutino Granados Abellera.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, isinilid ang katawan nito sa dalawang sako at itinapon sa isang balon nasabing lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
4
