COMELEC MAY RESO NA SA SOCE NI MARCOLETA

NATAPOS na ng Commission on Elections ang imbestigasyon sa umano’y hindi pagdedeklara ni Sen. Rodante Marcoleta ng ilang donor sa kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) noong 2025 elections.

Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Political Finance and Affairs Department (PFAD), ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Marcoleta na ang mga donasyon ay natanggap bago siya opisyal na maideklarang kandidato, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Penera vs. Comelec.

Nauna nang naglabas ng show cause order ang Comelec noong Nobyembre 2025 upang ipaliwanag ang hindi pagdedeklara ng mga donor at ang diumano’y hindi pagkakatugma ng SOCE at SALN ng senador.

Inamin ni Marcoleta na hindi niya idineklara ang ilang kontribusyon dahil hiling ng mga donor na manatiling anonymous.

Batay sa kanyang SOCE, gumastos siya ng P139.9 milyon sa kampanya na mas mataas kaysa sa kanyang nakasaad na net worth sa SALN na P51.9 milyon.

Ayon kay Garcia, nasa law department na ang susunod na hakbang kaugnay sa posibleng preliminary investigation, matapos siyang mag-inhibit sa kaso.

(JOCELYN DOMENDEN)

9

Related posts

Leave a Comment