PROJECT HILAMOS UMARANGKADA SA QC

ISINAGAWA ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGEN Randy Glenn Silvio, katuwang si Joy Belmonte, ang Project HILAMOS sa Barangay Sikatuna (Lot 141, Maginhawa St.) at 76 Maginhawa St., Barangay Teachers Village East, Quezon City.

Tampok sa inisyatiba ang muling pagpipinta sa mga pader na may vandalism upang gawing makukulay na lokal na obra ang mga napabayaang lugar. Layunin nitong isulong ang kalinisan at kaayusan, palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at buhayin ang pagmamalaki sa mga pamayanan.

Nakiisa ang mga opisyal ng Barangay Teachers Village East sa pangunguna ni Brgy. Chairman Lolita Singson at mga kagawad na sina Erlinda Mico, Joe Reyes Jr., Tonie Quilala, Cris Bendabal, kasama si Admin Robbie Santiago.

Dumalo rin ang iba’t ibang civic at youth groups gaya ng Confederate Sentinels of God (CSG), AKRHO Fraternity, Federation of Citizens Crime Watch-Special Task Force, at Tracker Force Multiplier—patunay ng mas pinaigting na kooperasyon ng komunidad.

Naroon din ang PNP OLC Foundation Inc. na kinatawan nina PCOL Alejandrea Silvio, Mrs. Mepania at Mrs. Bumalay.

Sinamahan si PBGEN Silvio ng mga miyembro ng command group, FC, DMFB, D-Staff at mga hepe ng istasyon ng PS 1, 2, 7, 8, 9, 10, 11 at 12, gayundin ng C, PCP 5/DHSU.

Pinuri ni Mayor Joy Belmonte ang programa at binigyang-diin ang papel nito sa pagpapaganda ng lungsod, pagpapalakas ng kaligtasan at pagpapatibay ng diwa ng komunidad. Aniya, ipinapakita nito ang sama-samang paninindigan ng pulisya at mga residente sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod.

“Taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Joy Belmonte sa kanyang buong suporta sa Project HILAMOS. Asahan po ninyo na makatutulong ang programang ito sa pagpapanatili ng kalinisan at sa mas walkable at mas maaliwalas na Quezon City para sa bawat QCitizen,” pahayag ni PBGEN Silvio.

(DANNY QUERUBIN)

1

Related posts

Leave a Comment