RISA LAGAPAK NA NAMAN SA SURVEY

Senador Risa Hontiveros-2

KULELAT na naman si Senadora Risa Hontiveros sa pinakabagong survey ng Tangere para sa karera sa pagka-presidente sa 2028 elections.

Sa nationwide survey na ginawa mula Pebrero 19-20 at sinalihan ng 1,200 respondents, nakakuha lang si Hontiveros ng 3 porsiyentong voter support.

Nauuna sa kanya si Vice President Sara Duterte na may 43 porsiyentong voter support, kasunod si Naga City Mayor Leni Robredo na may 27 percent, at ikatlo naman si Senador Raffy Tulfo na may 15 porsyento.

Sa kanilang apat, si Hontiveros din ang nakakuha ng pinakamababang approval at trust rating na may 47 at 48, ayon sa pagkakasunod.

Una nang sinabi ni Hontiveros na hindi dapat arestuhin sina Senador Bato dela Rosa at Bong Go sakaling maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanila.

Ayon kay Hontiveros, matagal nang tradisyon ng Senado na hindi pwedeng arestuhin ang sinoman sa mga miyembro nito habang may sesyon.

Bumisita kamakailan si Hontiveros sa Pag-asa Island, na bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea, para maghatid ng essential goods at gamot sa mga sibilyan at frontliners na nakapwesto sa lugar.

1

Related posts

Leave a Comment