PNP NAKAALERTO SA POSIBLENG ‘SPILLOVER EFFECTS’ NG GIYERA SA ME

NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng spillover effects sa bansa ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang PNP Intelligence Group na paigtingin ang pagmamanman sa extremist narratives at online radicalization.

Bagamat wala pang namo-monitor na direktang banta kaugnay ng sigalot sa Middle East, mahigpit umanong binabantayan ng PNP ang anomang development na maaaring makaapekto sa internal security ng bansa.

Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa Armed Forces of the Philippines at iba pang intelligence partners upang matiyak ang kahandaan sa anomang posibleng epekto ng krisis.

Nauna nang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa itong tumugon sa anomang contingency plan ng gobyerno kaugnay sa pagpapauwi sa overseas Filipino workers na naiipit sa digmaan.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., may nakahandang contingency plan ang militar para protektahan ang OFWs lalo na sa paglilikas ng mga Pilipinong nasa mga conflict zone, kung kinakailangan.

Nakahanda umano ang mga C-130 aircraft at barko ng Navy kung kakailanganing magsagawa muli ng paglilikas.

(TOTO NABAJA)

1

Related posts

Leave a Comment