LUMAGDA ang Presidential Communications Office at mga print media publisher sa isang memorandum of understanding para sa “Oplan Kontra Fake News.”
Pinangunahan ni PCO Secretary Dave Gomez ang MOU signing sa Kalayaan Hall sa Malacañang.
Ayon kay Gomez, ang misinformation at disinformation ay parang “venom that poisons the hearts and minds of the people.”
Kabilang sa mga lumagda ang mga kinatawan ng INQUIRER, Manila Bulletin, Philippine Star, BusinessWorld, Daily Tribune, BusinessMirror, Manila Standard, Malaya Business Insight, at Manila Times.
Sinabi ni INQUIRER representative Paolo Prieto na ang inisyatiba ay “timely and necessary move,” lalo’t marami ang nahihirapang ihiwalay ang fake news sa lehitimong impormasyon.
“As organizations endowed with a mission to provide accurate information, we must not stand idly by,” ani Prieto.
Layunin ng kasunduan na pagtibayin ang transparency at kolektibong labanan ang pagkalat ng maling impormasyon sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
20 