UPANG matiyak ang katumpakan at pagiging maaasahan ng mga datos na isinusumite ng district ports, pinahintulutan ang BOC-OIL Task Force na i-validate ang mga ulat sa pamamagitan ng inspeksyon at pagsusuri ng mga dokumento.
Maari ring humiling ang Task Force ng regular na pagsusumite ng mahahalagang impormasyon mula sa mga stakeholder sa industriya upang suportahan ang inisyatibo ng pagmamanman.
Maaari rin itong magrekomenda ng pag-isyu ng summons kung kinakailangan upang matiyak ang pagsunod.
Ang lahat ng natuklasan at ulat na mabubuo sa ilalim ng pagsisikap na ito ay isusumite sa Office of the Commissioner upang magbigay ng napapanahong situational updates at gabayan ang mga kinakailangang polisiya o operasyonal na tugon.
Binigyang-diin ng Aduana na ang proaktibong hakbang na ito sa pagmamanman ay sumasalamin sa pangako ng ahensya na suportahan ang pambansang katatagang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagtiyak ng transparency sa pag-aangkat at sitwasyon ng suplay ng langis ng bansa habang nagbabago ang mga kondisyon sa mundo.
Inutusan din ng Bureau ang Enforcement Group na magbigay ng buong kooperasyon at mag-deploy ng kinakailangang tauhan upang suportahan ang pagpapatupad ng inisyatibong ito.
(JESSE RUIZ)
121 