P16.1-M MARIJUANA WINASAK

NASA mahigit P16.1 milyong halaga ng marijuana mula sa 18 taniman sa Ilocos Sur, ang winasak sa isinagawang cannabis eradication ng mga awtoridad nitong weekend, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, nagsagawa ng malawakang operasyon laban sa natunton na marijuana plantations ang kanilang mga yunit kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakalipas na linggo.

Natuklasan ng mga awtoridad ang 18 taniman ng marijuana na may kabuuang lawak na 13,000 square meters.

Dito binunot ang nasa 63,000 fully grown marijuana plants, 27.7 kilo ng tuyong dahon, at isang kilo ng tuyong fruiting tops na tinatayang nagkakahalaga ng P16.182 milyon.

Agad sinira ang mga ilegal na halaman habang kumuha naman ang mga awtoridad ng ilang sample ng fully grown marijuana at tuyong dahon para sa laboratory examination.

“Ang mga ganitong operasyon ang patunay na hindi kami hihinto sa pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na droga. Kahit saan ito tumubo, titiyakin naming mapupunta sa tama ang hustisya,” ani PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

(JESSE RUIZ)

95

Related posts

Leave a Comment