6 SUSPEK SA HAZING SA CAVITE, HAWAK NA NG PNP

HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang anim na suspek sa hazing na ikinasawi ni Kenneth Alcedo, 19-anyos, ng General Trias, Cavite.

Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga, sinabi ni PNP PIO PBGen. Randulf TuaΓ±o, apat sa mga suspek ang sumuko sa General Trias Police Station at isa pang suspek ang sumuko sa DasmariΓ±as Police Station.

Nasa 18 hanggang 21 ang edad ng mga suspek na boluntaryo ang pagsuko sa mga awtoridad.

Dalawa sa mga sumukong suspek ay napag-alamang sila ang nagdala sa biktima sa ospital.

Ang apat na suspek ay sumuko bandang alas-8:45 noong Linggo ng gabi sa General Trias Component City Police Station, kasama ang mga abogadong sina Atty. Colina at Atty. Olares at mga representative ng Tau Gamma Phi National Council, kaugnay sa kasong isinampa sa kanila.

Ang mga sumuko ay pawang mga mag-aaral sa Philippine Nautical and Technology College (PNTC).
Nagsumite ang apat ng kanilang pinirmahang sinumpaang salaysay sa harap ng kanilang abogadong si Atty. Olares.

Nauna nang iniulat ng pulisya na umabot sa 21 indibidwal ang itinuturing na persons of interest sa nangyaring hazing.

Ang mga suspek ay pawang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Law.

Matatandaan, nauna nang sumuko ang isang suspek na siyang driver ng sasakyan na nagdala sa ospital sa biktima, bago ang pagsuko ng lima.

Samantala, sinabi ni TuaΓ±o na may surrender feeler na ang iba pa sa mga suspek sa nangyaring hazing.

(TOTO NABAJA/SIGFRED ADSUARA)

138

Related posts

Leave a Comment