PNP ALERT SA DUTERTE ARREST ANNIV RALLY

NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa mga posibleng kilos-protesta kasabay ng unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., mino-monitor ng pulisya ang mga kumakalat na panawagan sa social media para sa malawakang motorcade rally ngayong Miyerkoles, Marso 11.

Matatandaang inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 at dinala sa The Hague upang harapin ang kasong “crimes against humanity” sa International Criminal Court (ICC).

Batay sa impormasyon ng pulisya, planong baybayin ng motorcade ang kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at magtatapos sa Villamor Air Base kung saan inaasahang magsasagawa ng programa ang mga kalahok.

Dahil dito, inatasan ni Nartatez ang mga pulis na dagdagan ang deployment sa mga lugar na posibleng pagdausan ng aktibidad, kabilang ang Davao City na kilalang balwarte ng pamilya Duterte.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance at tiyaking nakabatay sa batas ang kanilang aksyon sa pagharap sa mga posibleng demonstrasyon.

(TOTO NABAJA)

111

Related posts

Leave a Comment