SINERTIPIKAHANG urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na naglalayong amyendahan ang Biofuels Act of 2006, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Alinsunod sa panukala, bibigyang pahintulot ang Pangulo na maglabas ng executive order upang payagan ang pag-aangkat ng mga biofuel components tulad ng bioethanol at biodiesel kung sumirit ang presyo ng petrolyo sa bansa.
Maaari itong ipatupad ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng National Biofuels Board at ng Department of Energy.
Ang ilalabas na executive order ay may bisa ng hindi hihigit sa isang taon.
Maari lamang ipatupad ang hakb ang kung ang presyo ng blended gasoline at diesel o ang mga petrolyong may halong biofuel ay mas mataas nang hindi bababa sa limang porsyento kumpara sa presyo ng purong gasolina at diesel.
Ang malilikom namang pondo mula sa taripa at buwis sa pag-aangkat ng biofuel components ay ilalaan sa mga programang pang-ayuda para sa mga magsasaka at manggagawang apektado ng sa lokal na industriya ng biofuels.
(DANG SAMSON-GARCIA)
110 