PATULOY na iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang plunder complaints laban kina dating senador Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada at dating kongresista Zaldy Co.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang kaso ay hindi nakabatay sa iisang proyekto lamang kundi sa pinagsamang serye ng mga proyekto.
Iginiit ni Atty Martinez, sa ilalim ng batas kinakailangan ang ill-gotten wealth ay umabot sa hindi bababa sa P50 milyon upang masaklaw sa kasong plunder.
Sinabi ng DOJ na ang mga proyektong tinutukoy sa reklamo ay matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan, kabilang ang mga flood control project na hinihimay ngayon sa limang batch para masuri ang ebidensya.
May ilan nang kasong naisampa sa Sandiganbayan, habang ang iba ay nasa Regional Trial Court.
Samantala, kinumpirma ng DOJ na naipasa na sa Office of the Ombudsman ang reklamo ng National Bureau of Investigation laban kina Sen. Joel Villanueva at Sally Santos kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
(JULIET PACOT)
103 