Planong manunog, pumatay 8 KABATAAN NA-RESCUE SA ONLINE RADICALIZATION

NAILIGTAS ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang walong menor de edad na umano’y naimpluwensyahan online na gumawa ng mararahas na plano.

Ayon kay ACG Director Wilson Asueta, pito sa mga bata ay mula Laguna at isa sa Marikina.

Lumitaw sa imbestigasyon na may indikasyon ng planong pagsunog ng paaralan at posibleng pagkitil ng buhay pero naagapan bago pa sila makakuha ng armas.

Na-rescue ang mga kabataan sa tulong ng mga magulang, guro, barangay at social workers, at agad isinailalim sa intervention.

Nagsimula umano sa online gaming ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga hindi kilalang indibidwal na kalauna’y nag-udyok sa kanila sa mararahas na content.

Babala ng pulisya, bantayan ang online activity ng mga bata habang nakikipag-ugnayan na rin ang ACG sa mga internet provider para ipatanggal ang mapanganib na content.

(TOTO NABAJA)

54

Related posts

Leave a Comment