KASO VS VILLANUEVA NASA OMBUDSMAN NA

IPINAUBAYA na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang pagresolba sa malversation complaints laban kay Senador Joel Villanueva.

Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, ang Ombudsman ang may hurisdiksyon sa kaso dahil ang sangkot ay may Salary Grade 27 pataas.

Paliwanag ni DOJ Secretary Frederick Vida, patuloy ang koordinasyon nila sa Ombudsman at agad nilang isasalin ang lahat ng kaso para sa kaukulang aksyon.

Gayunman, nilinaw na hindi awtomatikong isasampa sa korte ang resolusyon ng DOJ dahil maaari itong muling suriin o tuluyang ibasura ng Ombudsman batay sa sarili nitong imbestigasyon.

(JULIET PACOT)

92

Related posts

Leave a Comment