DRUG DEN BINUWAG, 3 NAARESTO

BINUWAG ng mga awtoridad ang isang makeshift drug den sa Barangay Calapacuan, Subic noong Sabado, kung saan nasamsam ang tinatayang P136,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa buy-bust operation na isinagawa ng PDEA Region 3, bandang alas 5:40 ng hapon, tatlong suspek na edad 43, 33, at 27-anyos ang naaresto.

Nakumpiska ang walong sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 20 gramo ng shabu, drug paraphernalia, at ang ginamit na marked money.

Ang mga nakumpiskang droga ay isasailalim sa forensic examination sa PDEA Regional Office 3 laboratory.

Ang mga suspek ay kakasuhan sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

88

Related posts

Leave a Comment