PBBM: PAGMAMAHAL, SERBISYO, PANANAMPALATAYA, I-RENEW NGAYONG SEMANA SANTA

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na i-renew ang pangakong pagmamahal, serbisyo, at pananampalataya ngayong Semana Santa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at malasakit sa kapwa kasabay ng paggunita sa pagpapakumbaba at pag-asa na ipinamalas ni Hesukristo.

“In this solemn season, we remember the immeasurable love of Jesus Christ, who offered His life in perfect obedience to the will of the Father,” ayon sa Pangulo.

Dagdag pa niya, ang Passion of Christ ay paalala na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa sakripisyo, paglilingkod, at pagtulong sa kapwa.

Nanawagan din ang Chief Executive sa sambayanan na magnilay at isabuhay ang diwa ng malasakit sa kapwa.

“For in every act of compassion… we keep alive the spirit of His message,” aniya.

Nagsimula ang Mahal na Araw ngayong Linggo ng Palaspas, Marso 29, at magtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay sa Abril 6.

(CHRISTIAN DALE)

98

Related posts

Leave a Comment