MAISUG SA SC: PALAYAIN SI RODY

NAGPROTESTA ang grupong MAISUG (Digong Duterte Supporters) sa harap ng Korte Suprema para igiit ang pagpapalaya kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Nagmartsa ang grupo mula Taft Avenue hanggang Padre Faura sa Maynila, bitbit ang panawagan para sa agarang aksyon sa habeas corpus petition kaugnay ng kustodiya ni Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Tinawag din ng grupo na “fake” ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte, sabay sigaw ng “Due process, ibigay kay Inday!”

Bukod dito, hiniling din nila ang pagbasura ng Oil Deregulation Law, pagtanggal ng VAT sa langis, at pagtaas ng sahod.

Nagdeploy naman ang Manila Police District (MPD) ng kapulisan upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa lugar.

(JULIET PACOT)

103

Related posts

Leave a Comment