Sa usapin ng impeachment LUISTRO: ‘HAWAK NATIN ANG BEAT’

MARIING ipinagtanggol ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro ang hurisdiksyon ng Kamara sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang paliwanag, binanggit ng mambabatas ang usong tugtugin ngayon na paboritong sayawin ng kabataan, na may titulong ‘Hawak mo ang Beat’.

“Kagaya ng sabi ng mga kabataan, hawak natin ang beat,” anang chairperson.

“The House of Representatives is acting within the powers that belong to it alone under the 1987 Constitution,” diin ni Luistro.

Paliwanag niya, malinaw sa Konstitusyon na sa Kamara nagsisimula ang proseso ng impeachment, kabilang ang pagtukoy ng probable cause.

“Sa atin ang unang galaw. Sa atin ang direksyon… we have the exclusive power to impeach,” aniya.

Nilinaw rin niya na hindi pa ito pormal na paglilitis, dahil ang Senado pa ang uupo bilang impeachment court.

“The House initiates. The Senate decides,” dagdag pa niya.

Tinugunan din ni Luistro ang mga kritiko na nagsasabing “distraction” lamang ang impeachment sa gitna ng oil crisis.

“The Committee can perform its duty while government continues to function. Multi-tasking ang gobyerno,” aniya.

(TINA MENDOZA)

125

Related posts

Leave a Comment