SUGATAN ang dalawang pulis makaraang kagatin ng isang lalaki na kanilang aarestuhin Marikina City.
Ayon sa ulat, isang tawag ang natanggap ng Concepcion Dos Police Station kaugnay sa isang lalaki na nagwawala sa rooftop ng isang bahay sa isang residential subdivision sa Brgy. Marikina Heights, Marikina City.
Kaagad namang nagresponde ang dalawang pulis at nadatnan nila ang suspek na may hawak na kutsilyo.
Sinubukan nilang pakalmahin ang suspek subalit naging marahas ito na humantong sa pangangagat sa mga pulis.
Isa sa mga pulis ang kinagat sa tagiliran habang ang isa ay kinagat naman sa kaliwang tenga.
Ayon kay NCRPO chief, PBGen. Anthony Aberin, agad namang naaresto ang suspek na si alyas “Freddie”, isang construction worker at nakuha ang hawak nitong patalim.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong direct assault, alarm and scandal, disobedience to person in authority, at illegal possession of bladed weapon.
(TOTO NABAJA)
113 