2 PATAY SA SUMABOG NA LPG SA CAVITE

HINIHINALANG dahil sa sumabog na tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) kaya nasunog ang isang bahay at nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao sa Dasmariñas City, Cavite nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Bryan”, 20, at “Honorio”, 65, kapwa nakatira sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:06 ng umaga nang makarinig ang ilang residente ng malakas na pagsabog sa Brgy. Salawag kasunod ng paglagablab ng apoy sa nasabing bahay.

Ang may-ari ng bahay at negosyo na Trijonetrics Corps, ay kinilalang si alyas “Greg” 65, tubong Camarines Sur.

Mabilis naman nagresponde ang mga pamatay-sunog at dakong alas-9:55 ng umaga nang ideklarang fire-out ni FCinsp Michael John Escaño ng Dasmariñas City Bureau of Fire Protection.

Pagkaraan ay natagpuan ang isang bangkay sa veranda habang ang isa pa ay sa labas ng bahay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing sunog habang inaalam pa kung magkano ang naging pinsala sa insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment